Thursday, October 27, 2016

rihawani

 Alam mo ba,,,
Ang mitolohiya ay isang tradisyonal na salaysay na isinilang mula sa sinapupunan ng kultura ng tradisyong oral? Ang salitang mitolohiya ay hango sa salitang Griyego na myhtos na ang ibig sabihin ay kuwento.Ang mitolohiya ay isang natatanging kuwento na kadalasang tumatalakay sa kultura, sa mga diyos o bathala at ang kanilang mga karanasan sa pakikisalamuha sa mga tao. Maaaring nagsimula ang mitolohiya mula nang magsimulang magtanong ang mga tao tuingkol sa pagkakalikha ng mundo at ano ang kanilang tungkulin ditto.Sa pamamagitan ng mitolohiya ay nabigyan ng kalinawan ang mga kababalaghang pangyayari at ang mga nakakatakot na puwersa sa daigdig tulad ng pagbabago ng panahon, apoy, kidlat,pagkagutom, pagbaha, at kamatayan.

From: Filipino 10



  RIHAWANI
(Ang epiko ng mga kapampangan)

Sa isang kagubatan maraming bundok sa isang lugar ng Marulu, isang liblib na pook,ang mga naninirahan doon ay may pinaniniwalaang isang diyosa o diwata ng mgaputting usa. Ito ang kuwento ng kanilanga mga ninuno na unang nanirahan doon.
 
Ang Diyos raw na ito ay tinatawag na Rihawani. Kung minsan ay nagpapalit daw ito ng anyo bilang isa ring puting usa. Ang mga naninirahan sa liblib na pook na ito natakot na takot na magawi o maglagalag sa kagubatan pinananahanan ni Rihawani, kahit alam nilang dito sila maraming makukuhang mga bagay-bagay na maari nilang magamit o mapagkakitaan. Mga prutas, mga hayop-gubat, mga halamang gubat, at ibapa.

Sang-ayon sa kanila, may nakasumpong na kay Rihawani. Isa sa mga taong nanirahan din doon. Minsan daw, nang maligaw ito sa pangunguha ng mga kahoy at prutas ay  napadako ito sa pook ni Rihawani. Nakita raw at nasumpungan nito ang diyosa. Kahit sa malayo ay kapansinpansin ang angking kagandahan nito, habang nakikipag-usap sa ilang mga usang puti na nasa kaniyang paligid, Nang maglakad ang mga ito sa dakong patungo sa kinaroroonan ng tao ay mabilis na humangos ito sa bahay ay hindi magkumahog sa pagbabalita sa kaniyang nasaksihan. Mula noon ay lalo nang nagging katatakutan ang kagubatang iyon.

Isang araw ay may mga dayuhan na dumating doong na ang pakay ay mangaso o mamaril ng hayop sa gubat. Nagtanong daw ang mga ito kung sang gubat marami ang mga hayop o ibon na maaring puntahan. Itinuro nila ang gubat ngunit isinalaysay rin ang kasaysayan nito na pinananahan ni Rihawani. Itinagubilin ding huwag pagnasaang puntahan ang pook na iyon. Paara sa ikasisiguro ng lakad ay ipinagsama ng mga itoang isang tagapaggabay. At lumisan ang mga ito patungo sa gubat na pupuntahan.Pagdating sa paanan ng isang bundok ay napagkasunduan ng mga itong maghiwa- hiwalay at magkita-kita na lamang sa isang lugar sa dakong hapon. Ngunit lingid sa kaalaman ng lahat, ang isa ay nagka-interes na dumako sa gubat na pinananahanan ni Rihawani. Hindi nito pinakinggan ang tagubilin ng nakatatanda sa lugar na iyon. Nang makasapit na ito sa dakong itaas ng bundok ay naglakad-lakad muna at nagsipat-sipat ng mababaril na hayop. Naisip nito ang maputing usa na sinasabi ng matatanda. Nang mapadako ito sa gawing ilang, napansin niya ang isang pangkat ng mapuputing usa. Nang maramdaman ng mga hayop na may tao, nabulabog ang mga ito at nagtakbuhan papalayo. Hinabol nito ang isa at tinangkang barilin, ngunit walang natiyempuhan. Hanggang sa may Makita ito sa dakong kadawagan ng gubat, agad inasinta at binaril. Tinamaan ang putting usa sa binti at hindi na nakatakbo. At nang lalapitan na ng mangangaso ang puting usa may biglang sumulpot sa likuran na isang putting usa na malayo sa hitsura ng nabaril. Lalo itong namangha nang ang usa ay mag-iba nganyo at nagging isang napakagandang babae. Sinumbatan nito ang mangangaso. Sa ginawang iyon ng dayuhan, umusal ng sumpa ang diwata at ang lalaki ay maging isang putting usa rin at mapabilang na sa mga alagad ni Rihawani. Nang dakong hapon na, hinanap ito ng mga kasamahan. Tinawag nang tinawag ang pangalan nito ngunit walang sumasagot. Napaghinuha na lamang ng lahat lalo na ng kasamahan gabay nasinuway nito marahil ang tagubilin, tuloy nabilang sa sumpa ni Rihawani. Mula noon, bukod sa nagging aral na sa mga nandoon ang pangyayaring iyon, ay pinangilagan na ng mga mangangaso ang dakong iyon ng kagubatan.


Mula sa Panitikang Filipino (Pampanahong Elektroniko),(Arrogante et.al,1991 )
                                                                              




Element ng Mitolohiya
Tauhan:



Rihawani — 
Ang pangunahing tauhan sa kwentong Rihawani.Siya rin ay Diyosa at minsan ay nag papalit ng anyo bilang isang putting usa.
















Dayuhan --- Ang sumoway sa tagubilin ng matanda at napabilang sa alipin ni rihawani.






Matanda --- ang nag bigay ng payo sa mga mangangaso.



Tagpuan:

Sa kagubatan ng marulu sa dakong itaas ng bonduk --- dito naganap ang pangangaso ng dayuhan na naging  isang putting usa resulta ng pagkakasumpa dahil sa hindi pag sunod sa tagubilin ng matanda at pag baril na rin sa puting usa.
Banghay:
Ipinapakita ang ugnayan ng tao at ng mg adyos at diyosa --- Batay sa mitolohiyang na basa ang banghay ng kwento ay nakatuon sa Kagubatan kung saan nakatira ang diyosa na kilala bilang Rihawani at ang gubat din  na ito ay kinakatakotan ng mga tao na nakatira sa lugar ng marulu.
Tema:
Tungkol ito kung gaano kahalaga ang  pag sunod ng tagubilin o payo na ibinigay sa iyo. Tulad ng nangyari sa kwento kung saan sinuway ng mangangaso ang hagubilin ng matanda at dahil doon may malaking kababalaghang nangyari .


Mga Aral na Nakuha:

*Dapat maging maingat sa pagdedesisyon dahil nakaakibat dito ang iyong buhay at  maaaring magdulot ng kapahamakan na hindi inaasahan.  Kayat anomang payo ang matanggap ay ating sundin dahil nagpapakita ito ng rispito sa iyong sarili at kapwa.
*Kailanggan din nating pangalagaan ang ating inang kalikasan dahil dito nakasalalay ang ating kinabukasan.


Ginawa ni :
Lemuel John L. Taghoy











#lovehater,,,

27 comments:

  1. Nice one๐Ÿ˜Š๐Ÿ˜Š๐Ÿ˜Š

    ReplyDelete
  2. galing kapampangan ako eh kaya hinanap koto para rin sa module ko huhu

    ReplyDelete
  3. sino po yung sumulat ng rihawani?

    ReplyDelete
  4. iloveyou mga kapampangan lalo na si ano jusq

    ReplyDelete
  5. Umm thank you poe ☺️ it was very helpful to me ♥️

    ReplyDelete