Alam mo ba,,,
Ang mitolohiya ay isang tradisyonal na salaysay na isinilang mula sa sinapupunan ng kultura ng tradisyong oral? Ang salitang mitolohiya ay hango sa salitang Griyego na myhtos na ang ibig sabihin ay kuwento.Ang mitolohiya ay isang natatanging kuwento na kadalasang tumatalakay sa kultura, sa mga diyos o bathala at ang kanilang mga karanasan sa pakikisalamuha sa mga tao. Maaaring nagsimula ang mitolohiya mula nang magsimulang magtanong ang mga tao tuingkol sa pagkakalikha ng mundo at ano ang kanilang tungkulin ditto.Sa pamamagitan ng mitolohiya ay nabigyan ng kalinawan ang mga kababalaghang pangyayari at ang mga nakakatakot na puwersa sa daigdig tulad ng pagbabago ng panahon, apoy, kidlat,pagkagutom, pagbaha, at kamatayan.
From: Filipino 10
RIHAWANI
(Ang epiko ng
mga kapampangan)
Sa isang kagubatan maraming bundok sa isang lugar
ng Marulu, isang liblib na pook,ang mga naninirahan doon ay may pinaniniwalaang
isang diyosa o diwata ng mgaputting usa. Ito ang kuwento ng kanilanga mga
ninuno na unang nanirahan doon.
Ang Diyos raw na ito ay tinatawag na Rihawani. Kung
minsan ay nagpapalit daw ito ng anyo bilang isa ring puting usa. Ang mga
naninirahan sa liblib na pook na ito natakot na takot na magawi o maglagalag sa
kagubatan pinananahanan ni Rihawani, kahit alam nilang dito sila maraming
makukuhang mga bagay-bagay na maari nilang magamit o mapagkakitaan. Mga
prutas, mga hayop-gubat, mga halamang gubat, at ibapa.
Sang-ayon sa kanila, may nakasumpong na kay
Rihawani. Isa sa mga taong nanirahan din doon. Minsan daw, nang maligaw
ito sa pangunguha ng mga kahoy at prutas ay napadako ito sa pook ni
Rihawani. Nakita raw at nasumpungan nito ang diyosa. Kahit sa malayo ay
kapansinpansin ang angking kagandahan nito, habang nakikipag-usap sa ilang
mga usang puti na nasa kaniyang paligid, Nang maglakad ang mga ito sa dakong
patungo sa kinaroroonan ng tao ay mabilis na humangos ito sa bahay ay
hindi magkumahog sa pagbabalita sa kaniyang nasaksihan. Mula noon ay lalo
nang nagging katatakutan ang kagubatang iyon.
Isang araw ay may mga dayuhan na dumating doong na
ang pakay ay mangaso o mamaril ng hayop sa gubat. Nagtanong daw ang mga
ito kung sang gubat marami ang mga hayop o ibon na maaring puntahan.
Itinuro nila ang gubat ngunit isinalaysay rin ang kasaysayan nito na
pinananahan ni Rihawani. Itinagubilin ding huwag pagnasaang puntahan ang pook
na iyon. Paara sa ikasisiguro ng lakad ay ipinagsama ng mga itoang isang
tagapaggabay. At lumisan ang mga ito patungo sa gubat na pupuntahan.Pagdating
sa paanan ng isang bundok ay napagkasunduan ng mga itong maghiwa- hiwalay
at magkita-kita na lamang sa isang lugar sa dakong hapon. Ngunit lingid
sa kaalaman ng lahat, ang isa ay nagka-interes na dumako sa gubat na pinananahanan
ni Rihawani. Hindi nito pinakinggan ang tagubilin ng nakatatanda sa lugar
na iyon. Nang makasapit na ito sa dakong itaas ng bundok ay naglakad-lakad
muna at nagsipat-sipat ng mababaril na hayop. Naisip nito ang maputing usa
na sinasabi ng matatanda. Nang mapadako ito sa gawing ilang, napansin niya
ang isang pangkat ng mapuputing usa. Nang maramdaman ng mga hayop na may
tao, nabulabog ang mga ito at nagtakbuhan papalayo. Hinabol nito ang isa
at tinangkang barilin, ngunit walang natiyempuhan. Hanggang sa may Makita
ito sa dakong kadawagan ng gubat, agad inasinta at binaril. Tinamaan ang
putting usa sa binti at hindi na nakatakbo. At nang lalapitan na
ng mangangaso ang puting usa may biglang sumulpot sa likuran na isang
putting usa na malayo sa hitsura ng nabaril. Lalo itong namangha nang ang usa
ay mag-iba nganyo at nagging isang napakagandang babae. Sinumbatan nito ang
mangangaso. Sa ginawang iyon ng dayuhan, umusal ng sumpa ang diwata at ang
lalaki ay maging isang putting usa rin at mapabilang na sa mga alagad ni
Rihawani. Nang dakong hapon na, hinanap ito ng mga kasamahan. Tinawag nang
tinawag ang pangalan nito ngunit walang sumasagot. Napaghinuha na lamang ng
lahat lalo na ng kasamahan gabay nasinuway nito marahil ang tagubilin, tuloy
nabilang sa sumpa ni Rihawani. Mula noon, bukod sa nagging aral na sa mga
nandoon ang pangyayaring iyon, ay pinangilagan na ng mga mangangaso ang
dakong iyon ng kagubatan.
Mula sa Panitikang Filipino
(Pampanahong Elektroniko),(Arrogante et.al,1991 )
Element
ng Mitolohiya
Tauhan:
Rihawani —
Ang pangunahing tauhan
sa kwentong Rihawani.Siya rin ay Diyosa at minsan ay nag papalit ng anyo bilang
isang putting usa.
Dayuhan --- Ang sumoway sa
tagubilin ng matanda at napabilang sa alipin ni rihawani.
Matanda --- ang nag bigay ng payo
sa mga mangangaso.
Tagpuan:
Sa kagubatan ng marulu sa dakong
itaas ng bonduk --- dito naganap ang pangangaso ng dayuhan na naging isang putting usa resulta ng pagkakasumpa
dahil sa hindi pag sunod sa tagubilin ng matanda at pag baril na rin sa puting
usa.
Banghay:
Ipinapakita ang ugnayan ng tao at ng mg adyos at diyosa
--- Batay sa mitolohiyang na basa ang banghay ng kwento ay nakatuon sa
Kagubatan kung saan nakatira ang diyosa na kilala bilang Rihawani at ang gubat
din na ito ay kinakatakotan ng mga tao
na nakatira sa lugar ng marulu.
Tema:
Tungkol ito kung gaano kahalaga ang pag sunod ng tagubilin o payo na ibinigay sa
iyo. Tulad ng nangyari sa kwento kung saan sinuway ng mangangaso ang hagubilin
ng matanda at dahil doon may malaking kababalaghang nangyari .
Mga Aral na Nakuha:
*Dapat maging maingat sa pagdedesisyon dahil nakaakibat dito ang iyong buhay at maaaring magdulot ng kapahamakan na hindi inaasahan. Kayat anomang payo ang matanggap ay ating sundin dahil nagpapakita ito ng rispito sa iyong sarili at kapwa.
Ginawa ni :
Lemuel John L. Taghoy
#lovehater,,,